
dilat – pagbukas ng talukap ng mata
irap – tingin na galit, mapangutya, o malungkot
kita – natatanaw o naaabot ng paningin
lingat – pagbabaling ng paningin
lingon – pagtingin sa dakong likod sa pamamagitan ng pagpihit ng ulo at gawing itaas ng katawan
lingos – paglingon mulang isang panig hanggang sa kabilang panig
malas – pagtutuon ng tingin sa isang bagay
manman – magbantay o bantayan; tiktikan o maniktik
masid – masusi at maingat na pagtingin sa isang tao o bagay lalo na upang makagawa ng pagsusuri o makalikom ng impormasyon
matyag – pagmamasid sa paligid at sa bagay-bagay katulad ng gawain ng bantay at espiya
nood – pagsubaybay sa paraan ng tingin sa isang pangyayari o pagtatanghal, lalo na bilang paglilibang
obserba – panoorin, masdan
pikit – pagsasara ng mata
silay – tingin o pagtingin nang madalian
silip – pagtingin sa butas o pagkaita sa pamamagitan ng butas o siwang ng bintana
sulyap – panandalian o mabilis na pag-uukol ng tingin sa isang bagay
sungaw – sumilip mula sa anumang butas
tanaw – anumang maaabot ng paningin
tingala – nakatingin sa dakong taas
tingin – pagtuon ng mata sa isang bagay o dako
titig – masidhi at matagal na tingin
tutok – titig

Leave a comment