alat – lasa ng asin, tulad ng tubig dagat

anghang – lasa ng sili na parang paminta o nakakapaso

anta – amoy o lasa ng nabulok na langis o napanis na niyog

asim – lasa ng suka o katas ng kalamansi

bulok – bilasa, sira | mabaho, mabantot

lansa – amoy o lasa ng isda o kaya’y tumagas na dugo

linamnam – lasa sa pagkaing masarap

pait – lasang hindi kanais-nais, gaya ng sa ampalaya, apdo, o aspirin

pakla – lasa na natatambalan ng pangangapal ng dila, karaniwang lasa ng bubot ng kamatsile, saging, at katulad

panis – umasim dahil sa pagkasira, gaya ng pagkain, laway, at iba pa

sarap – lasa o amoy na kalugod-lugod

tabang – kakulangan sa läsa

tamis – lasa ng asukal | kaaya-ayang sarap ng lasa, amoy, tung, at iba pa

umay – pagkasuya o sawa sa anumang kinakain na karaninwang masebo o matamis

Leave a comment

I’m Emmanuelle

Photo by Suzy Hazelwood on Pexels.com

Welcome to my blog, my little corner of the internet dedicated to all my writing projects. Here, I invite you to browse and immerse yourselves in the world I have created in my mind. Let’s go!

Let’s connect