Nang vs Ng

Gamitin ang “nang”:

  1. Kapag sinasagot ang tanong na “Paano?”

    hal. Tumakbo si Axel nang matulin.

    2. Kapag sinasagot ang tanong na “Gaano?”

      hal. Tumaas nang bahagya ang boses ni Margaux.

      3. Kapag umuulit ang kilos

        hal. Iyak nang iyak ang sanggol.

        4. Kapag katabi ng salitang “Maaga”

          hal. Gigising pa siya nang maaga bukas.

          5. Ibang salita sa “Noong”

            hal. Nagsiuwian na ang mga bisita nang makarating siya sa bahay.

            6. Ibang salita sa “Para” at “Upang”

              hal. Mag-aaral siya nang sa gayon ay maiangat niya sa kahirapan ang kanyang pamilya.

              7. Para mas masarap bigkasin ang “Na”

                hal. Maari nang magsimula sa takdang-aralin.

                Gamitin ang “ng”:

                1. Kapag sinasagot ang tanong na “Ano?”

                hal. Kinuha ng konduktor ang pamasahe niya.

                2. Kapag sinasagot ang tanong na “Kailan?”

                  hal. Dumating siya ng Linggo.

                  3. Kapag tungkol sa oras at petsa.

                    hal. Tumawag ang asawa niya ng hatinggabi.

                    4. Kapag pagmamay-ari

                      hal. Kinupkop niya ang alagang unggoy ng kapitbahay.

                      5. Kapag ubod ng, saksakan ng, puno ng

                      hal. Puno ng pantal ang katawan ng bata.

                        Leave a comment

                        I’m Emmanuelle

                        Photo by Suzy Hazelwood on Pexels.com

                        Welcome to my blog, my little corner of the internet dedicated to all my writing projects. Here, I invite you to browse and immerse yourselves in the world I have created in my mind. Let’s go!

                        Let’s connect