Filipino Dialogue Tags

alok – anyaya | mungkahing bilhin ang isang bagay

anas – mahina at mababang tinig | higit na malagas kaysa bulong

angal – pagdaing na may kasamang pagtutol

angil – ungol ng galit na aso | pagalit na ungol ng tao na nagpapakilala ng pagtanggi o pagtutol

ani – sabi ni

anyaya – paghiling na pumunta sa isang pook, dumalo sa isang okasyon, o lumahok sa isang gawain

asik – pagsasalita ng mabilis dahil sa galit

atungal – mahaba at malakas na ungol ng baka at iba pang hayop

babala – pahayag ng darating na pangyayari o kahihinatnan ng kilos

banggit – mabilis at madaliang pagsasabi sa pangalan ng tao, hayop, o bagay

baling – pag-uukol ng panayam o salita sa isang tao

balita – ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari sa paligid

banta – pagpapahayag ng intensyon o determinasyong magdulot ng pananakit, parusa, o pinsala bilang ganti

bilin – tagubilin

bulalas – biglang pagsasalita dahil sa matinding damdamin, pagkagulat, pagtutol, at katulad | pagsigaw o pagsasalita nang malakas o mariin

bulong – pagsasalita nang mahinang-mahina, karaniwan sa pamamagitan ng hininga sa halip na sa lalamunan, lalo na sa kapakanan ng paglilihim

bulyaw – malakas at pagalit na sigaw na tanda ng pagtataboy

daing – pagpapahayag ng sakit o lungkot | pagpapahayag ng hindi kasiyahan o sama ng loob

dada – daldal

dakdak – daldal 

daldal – magulong usapan o hindi maintindihang salita

dikta – utos o mando | atas

ganti – tugon

giit – matinding pagsisikap na matupad ang nais

hibik – pagtatapat ng isinasama ng loob upang humingi ng pagdamay

imbita – anyaya

kantiyaw – pasigah na panunukso o pang-iinis

katuwiran – argumento o pagpapaliwanag na binubuo ng konklusyon, pahayag, o kuro-kuro.

komentaryo – palagay o kuro-kuro

kontra – sumasalungat o kumakalaban

kumbida – anyaya

lahad – pagpapaliwanag o pagsasalaysay

mura – paggamit ng masasamang salita laban sa kapwa dahil sa galit

ngawa – tinig ng isang tao na malayo o hindi nakikita | pagsasalita ng masyadong mahaba at malakas

nguyngoy – walang patid na pag-iyak ng batang nag-aalboroto

pahayag – pagsasawika ng nasa isip | pagtatanghal o paglalahad | pagsisiwalat ng kuro-kuro o damdamin

pakiusap – magalang na paghiling ng anuman mula sa kinauukulan

pakli – tugon na mabilis | sagot na nagpapasinungaling sa ipinararatang at ipinahahayag

palahaw – sigaw

paliwanag – pagbibigay linaw at pagpapaintindi sa pahayag

payo – salitang ibinibigay o iminumungkahi bilang opinyon o rekomendasyon tungkol sa panghinaharap na aksiyon, kilos, o pag-uugali

pukaw – paggising mula sa pagkakahimbing

reklamo – pagpapahayag ng hindi pagkakontento

saad – sabihin | banggitin

sabad – pakikisangkot o pagsagot ng tao na hindi kasali sa usapan

sagot – tugon sa isang katanungan

salaysay – paglalahad ng mga naganap hinggil sa tao, pook, at panahob

sambit – banggit

samo – madamdaming paghiling na gawin o ibigay ang isang bagay

sigaw – malakas na tawag

singhal – pagsigaw ng may galit o poot

sulsol – pagsasabi ng mga bagay na na lalong ikagagalit ng sinabihan

sumbat – pagsasabi sa iba ng mga bagay na naitulong upang ipamukha ang utana na loob nito

sumbong – pagpapabatid sa kinauukulan ng anumang dawa o pangyayari na hindi mabuti

sumpa – matapat na pangako sa pagtupad ng gawain

suyo – pagpapaamo sa iba upan makuha ang anumang nais o gusto

taghoy – malakas na pagdaing

tangis – taghoy na may kasamang malakas na pag-iyak

tawag – pagsasalita nang malakas

tugon – pahayag bilang reaksiyon sa pahayag ng ibang tao

turan – magbigay ng wastong sagot sa bugtong | banggit

udyok – sulsol | paghimok para kumilos o para gawin ang isang bagay na maselan o mapangnib

ukilkil – mapilit na pag-uusisa o pagtatanong | paggiit na tanggapin ang isang bagay na iniaalok o ipinakikiusap

ulok – pag-udyok sa iba upang maghiganti o gumawa ng bagay na marahas

ungot – paghingi ng anuman, karaniwan sa malambing na paraan

untag – pagpapaalala ukol sa bagay na ipinangako

usal – paulit-ulit na pagsasalita nang pabulong, karaniwan kapag nagsasaulo ng aralin

usisa – pagtatanong ukol sa pinag-usapan o anumang nangyari

utos – anumang ipinapagawa sa iba

wika – pabigkas na paggamit ng naturang sistema o lawas ng mga salita

yakag – yayain

yaya – hikayatin ang isang tao upang sumama o makiisa sa isang gawain

Leave a comment

I’m Emmanuelle

Photo by Suzy Hazelwood on Pexels.com

Welcome to my blog, my little corner of the internet dedicated to all my writing projects. Here, I invite you to browse and immerse yourselves in the world I have created in my mind. Let’s go!

Let’s connect