I’ve gone by many pseudonyms, but Emmanuelle Braza is the pen name I use for my published works. Sa ngayon, may dalawa akong kuwento na nailathala sa ilalim ng Bookware Publishing: Desiring Sebastian (2018) at Devotion (2020).
Before getting published and even between writing those two books, I’ve tried out various writing platforms. Maihahalintulad ko sa pangungupahan ang mga panahong iyon. Hindi ako tunay na malaya sa pagsusulat dahil kailangan kong sumunod sa tuntunin at regulasyon ng mga site na iyon kapalıt ng libreng espasyong aking hinihiram. Ngunit ngayon ay dumating na ang panahon na may sarili akong website kung saan ako ang namamahala. I have full control of my works now.
Ngayon ako ay nagbabalik sa mundo ng pagsusulat. Sa aking pag-alaala, taong 2021 pa mula ng huli akong nakatapos magsulat ng kuwento. It’s been five years, and I feel like I’m at the beginning again. This feels like coming home after being away for a while.
Sa mga mambabasa na nakatunghay sa akin noong ako ay nagsisimula pa lamang, sa mga maiging naghihintay sa aking pagbabalik matapos akong matagal na hindi nagparamdam, at sa mga ngayon pa lang ako nadiskubre, tara pasok kayo sa aking tahanan!

Leave a comment